PUBLIC TRANSPORTATION CAPACITY POSIBLENG DAGDAGAN

Presidential Spokesman Harry Roque

PINAG-AARALAN na ng Inter Agency Task Force for the Management of Emerging Diseases na itaas na sa 70 percent ang public transportation capacity sa gitna ng pandemya sa Covid 19.

Ito ay inanunsiyo ni Presidential Spokesman Harry Roque na nagsabing posibleng madagdagan ang kapasidad sa pagbiyahe ng mga pam-publikong sasakyan kaugnay sa unti unting pagbubukas ng ekonomiya ng bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ‘it is a matter of time’ na lamang bago maibalik ang mass transporation.

“Pinag-iisipan po talaga ‘yan ng IATF dahil alam natin na ang tanging paraan para makaahon sa kahirapan ay ang pagbubukas ng ekonomiya na pupwede naman pong mangyari sa pamamagitan ng pag-ingat ng buhay para makapaghanap buhay. Sa tingin ko po ay it’s a matter of time bago natin maibalik sa 70% itong transportation natin,” pahayag ni Roque.

Kamakailan lamang ay binuksan na rin ng Department of Transportation ang biyahe ng mga provincial bus at sa kasalukuyan ang iba’t ibang uri ng public transportation ay nakapagseserbisyo lamang ng 50 porsiyento upang matiyak na naipapatupad ang proper physical distancing. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.