PINAG-IINGAT ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang publiko kaugnay sa pag-click ng mga kahina-hinalang link at pag-register sa mga hindi beripikadong website.
Kasunod ito ng pagbabalik umano ng ‘Friendster’, na isang social networking site na taong 2015 pa nang itigil ang serbisyo nito.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng DICT – National Computer Emergency Response Team, natuklasan na ang IP address ng nagho-host sa bagong ‘Friendster’ ay napaulat na may kaugnayan sa phishing, hacking, at host exploitations.
Napag-alaman ding gumagamit ito ng hindi kilalang top-level domain at walang ”About Us” page na nagsasaad kung sino ang nag-develop ng website.
Ang phishing ay isang uri ng cyber attack kung saan target ng mga cybercriminal na nakawin ang impormasyon, datos at credentials ng isang user.
DWIZ 882