(Publiko binalaan ng BFAR) 10 LUGAR POSITIBO SA RED TIDE

red tide

NAGBABALA ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na 10 lugar sa bansa ang positibo sa paralytic shellfish poison o tox­ic red tide na lagpas sa regulatory limit.

Sa kanilang latest bulletin, sinabi ng BFAR na hindi ligtas kainin ang lahat ng uri ng shellfish at acetes, o alamang, mula sa Milagros sa Masbate; Sorsogon Bay sa Sorsogon; coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol;

Matarinao Bay sa Eastern Samar; at Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur.

Positibo rin sa red tide ang Murcielagos Bay sa Zamboanga del Norte; Murcielagos Bay (Sapang Dalaga at Baliangao) sa Misamis Occidental; Balite Bay, Mati City sa Davao Oriental; at Lianga Bay sa Surigao del Sur; at San Pedro Bay sa Western Samar.

“Fish, squids, shrimps and crabs  from the aforementioned areas are safe for consumption, provided that they are fresh and washed thoroughly, and internal organs such as gills and intestines are removed before cooking,” ayon sa BFAR. BENEDICT ABAYGAR, JR.

2 thoughts on “(Publiko binalaan ng BFAR) 10 LUGAR POSITIBO SA RED TIDE”

  1. 243539 352994Hey there! Someone in my Myspace group shared this internet site with us so I came to take a look. Im undoubtedly enjoying the data. Im bookmarking and will be tweeting this to my followers! Superb blog and outstanding style and design. 352313

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *