(Publiko binalaan ng BFAR) 5 COASTAL AREAS POSITIBO SA RED TIDE

BFAR-RED TIDE

NAGBABALA ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) laban sa patuloy na presensiya ng red tide sa limang coastal waters sa mga lalawigan ng Bohol, Samar, Zamboanga del Sur at Surigao del Sur.

Sa Shellfish Bulletin No. 14 na inilabas noong Biyernes, ang publiko ay binalaan sa pangongolekta at pagkain ng shellfish mula sa coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; San Pedro Bay sa Samar; Dumanquilas Bay sa Zamboanga del Sur; at Lianga Bay sa Surigao del Sur.

Ayon sa BFAR, sa samples ay lumabas na positibo pa rin ang naturang coastal areas sa paralytic shellfish poison (PSP) o toxic red tide na lagpas sa regulatory limits.

“All types of shellfish and Acetes sp. or alamang gathered from the areas are not safe for human consumption,” nakasaad sa bulletin na nilagdaan ni Director Demosthenes Escoto.

Ligtas namang kainin ang isda, pusit, hipon at alimasag basta huhugasang mabuti at aalisin ang internal organs, tulad ng hasang at bituka bago lutuin.

Ang mga lugar na ligtas sa red tide ay ang coastal waters ng Las Piñas, Parañaque, at Navotas sa National Capital Region; Cavite; Bulacan; Bataan (Mariveles, Lima, Orion, Pilar, Balanga, Hermosa, Orani, Abucay, and Samal) sa Manila Bay; mariculture areas sa Infanta, Quezon, at Rosario at Sto. Tomas sa La Union; at coastal waters ng Bolinao, Anda, Alaminos, Sual, at Wawa, Bani sa Pangasinan.

PSP-free din ang coastal waters ng Pampanga; Masinloc Bay sa Zambales; Pagbilao Bay, Pagbilao, at coastal waters ng Walay, Padre Burgos sa Quezon; Honda, at Puerto Princesa Bays, Puerto Princes City, at coastal waters ng Inner Malampaya Sound, Taytay sa Palawan; coastal waters ng Milagros at Mandan sa Masbate; Sorsogon Bay, at Juag Lagoon, Matnog sa Sorsogon; coastal waters ng Gigantes Islands, Carles, at Borongon, San Dionisio sa Iloilo; coastal waters ng Roxas City, Panay, President Roxas, at Pilar sa Capiz.

Sapian Bay (Ivisan at Sapian sa Capiz; Mambuquiao at Camanci, Batan sa Aklan); coastal waters ng Altavas, Batan, at New Washington sa Batan Bay, Aklan; coastal waters ng E.B. Magalona, Talisay City, Silay City, Bacolod City, Hinigaran, at Victorias City sa Negros Occidental; Tambobo, at Sit Bays, Siaton; at Bais Bay, Bais City sa Negros Oriental; coastal waters ng Daram, at Zumar- raga, Cambatutay, Irong-irong, Maqueda, at Villareal Bays sa Samar; coastal waters ng Guiuan sa Eastern Samar; coastal waters ng Leyte, Calubian, Ormoc, Sogod, Carigara Bay, at Cancabato Bay, Tacloban City sa Leyte; coastal waters ng Biliran Island; at Tantanang Bay sa Zamboanga Sibugay.

-PNA