PINAG-IINGAT ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang publiko sa pagkain ng shellfish at iba pang seafood mula sa pitong coastal areas sa bansa na nananatiling positibo sa red tide.
Sa Shellfish Bulletin No. 24, sinabi ng BFAR na kinabibilangan ito ng apat na coastal waters sa Capiz at tig-iisa sa mga lalawigan ng Iloilo, Bohol at Zamboanga del Sur.
“Shellfishes collected and tested from Sapian Bay (Ivisan and Sapian in Capiz, Mambuquiao and Camanci, Batan in Aklan); coastal waters of Pilar; President Roxas; Roxas City in Capiz; coastal waters of Gigantes Islands, Carles in Iloilo; coastal waters of Dauis and Tagbilaran City in Bohol; and Dumanquillas Bay in Zamboanga del Sur are still positive for Paralytic Shellfish Poison (PSP) or toxic red tide that is beyond the regulatory limit,” ayon sa BFAR.
Pinayuhan ng BFAR ang publiko na hindi ligtas kainin ang lahat ng uri ng shellfish at Acetes sp. o alamang na mahuhuli mula sa naturang mga lugar.
“Fish, squids, shrimps, and crabs are safe for human consumption provided that they are fresh and washed thoroughly, and internal organs such as gills and intestines are removed before cooking,” dagdag ng ahensiya.
Samantala, sinabi ng ahensiya na wala na ngayong red tide sa coastal waters ng Panay sa Capiz.