(Publiko binalaan ng BFAR) ILANG LUGAR POSITIBO PA RIN SA RED TIDE

NAGLABAS ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng listahan ng ilang lugar na positibo pa rin sa Paralytic Shellfish Poison (PSP) o toxic red tide na lagpas sa regulatory limit.

Ayon sa BFAR, ang naturang mga lugar ay ang coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; Lianga Bay sa Surigao del Sur; at coastal waters ng San Benito sa Surigao del Norte.

Ang lahat ng uri ng shellfish at Acetes sp. o alamang na magmumula sa naturang mga lugar ay hindi ligtas kainin.

“Fish, squids, shrimps, and crabs are SAFE for human consumption provided that they are fresh and washed thoroughly, and internal organs such as gills and intestines are removed before cooking,” dagdag pa ng BFAR.

PAULA ANTOLIN