(Publiko binalaan ng BFAR)10 COASTAL AREAS POSITIBO SA RED TIDE

BFAR-RED TIDE

SAMPUNG coastal areas sa bansa ang nagpositibo sa paralytic shellfish poison (PSP) o toxic red tide na lagpas sa regulatory limit, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Sa shellfish bulletin na may petsang January 10, sinabi ng BFAR na lahat ng shellfish at acetes, na kilala rin bilang alamang, na nakolekta mula sa naturang mga lugar ay hindi ligtas kainin.

Ang nasabing mga lugar ay ang coastal waters ng Milagros, Masbate; coastal waters ng Panay, Capiz; coastal waters ng President Roxas, Capiz; coastal waters ng Pilar, Capiz; coastal waters ng Dauis, Bohol; coastal waters ng Tagbilaran City, Bohol; Irong-Irong Bay sa Samar; San Pedro Bay sa Samar; Dumanquilas Bay in Zamboanga del Sur; at Lianga Bay sa Surigao del Sur

Ligtas naming kainin ang iba pang seafood bukod sa mga shellfish na nakolekta sa nabanggit na mga lugar.

“Fish, squids, shrimps, and crabs are safe for human consumption provided that they are fresh and washed thoroughly; and internal organs such as gills and intestines are removed before cooking,” ayon sa BFAR.