(Publiko binalaan ng DA) SMUGGLED NA GULAY MAPANGANIB

BINALAAN ng Department of Agriculture (DA) ang publiko laban sa pagbili ng mga puslit na gulay mula China.

“Other than sa price manipulation meron din siyang problema sa food safety, kasi for as long as walang import permit, meron siyang health hazard, health threat talaga siya. Makikita mo agad sa boxes, may tatak na China, madali ma-identify, malinis na malinis, ‘yung local production may lupa lupa, eto linis na linis,” wika ni DA Assistant Secretary Federico Laciste Jr. nang mag-inspeksiyon sa isang warehouse sa Malabon City noong Biyernes.

Aniya, ang mga puslit na gulay ay mapanganib sa kalusugan dahil hindi ito dumaan sa tamang proseso.

“Pagka wala tayong sanitary, hindi natin alam na paano na-carry, baka may pests pa ‘yan,” sabi pa niya.

Ginawa ng DA ang babala kasunod ng pagkakakumpiska sa libo-libong puslit na gulay sa isang warehouse sa Malabon noong Huwebes.

Noong nakaraang  Setyembre ay ipinag-utos ni DA Sec. William Dar ang pagtugis sa mga  smuggler. Inatasan din niya ang  Bureau of Plant Industry (BPI) na magsagawa ng random inspections sa mga imported na gulay para matiyak ang food safety.