(Publiko binalaan ng DOLE) FAKE CERTIFICATES OF INVOLUNTARY SEPARATION

DOLE-2

BINALAAN ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang publiko laban sa paggamit ng hindi opisyal at pekeng  Certificates of Involuntary Separation.

Ipinalabas ng DOLE-Bureau of Local Employment (BLE) ang babala makaraang makatanggap ng mga ulat ng pekeng mga sertipikasyon para sa Social Security System (SSS) unemployment benefit claim.

Ang nasabing dokumento ay ipinalabas na inisyu ng DOLE Regional Offices at nagtataglay ng letterhead at electronic signatures ng mga kinauukulang opisyal.

Ayon sa DOLE, ang sinumang mahuhuli sa ilegal na paggawa ng dokumento ay mananagot sa batas. LIZA SORIANO

91 thoughts on “(Publiko binalaan ng DOLE) FAKE CERTIFICATES OF INVOLUNTARY SEPARATION”

Comments are closed.