(Publiko binalaan ng DOLE) PEKENG EMERGENCY JOB HIRING

NAGBABALA ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa publiko laban sa isang scam na ginagamit ang emergency employment program ng gobyerno.

Sa isang statement, sinabi ng DOLE-National Capital Region (NCR) na ang kaduda-dudang employment hiring scheme ay ginagamit ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program ng ahensiya.

Sa ilalim ng scheme, sinabi ng DOLE-NCR na ang mga indibidwal na naghahanap ng trabaho ay pinag-aaplay sa programa, kung saan sila babayaran ng P800 kada araw.

Pagkatapos ay papayuhan ang mga aplikante na magpadala ng mensahe direkta sa recruiter para sa mga katanungan o isumite ang kanilang applications online.

Kaugnay nito ay hinikayat ng DOLE ang publiko na agad i-report ang naturang scheme sa ahensiya.

“Please report any information on individuals or entities, who are illegally conducting said activities and they shall be dealt with accordingly,” ayon sa DOLE.

Ang TUPAD program ay isang community-based package of assistance na nagkakaloob sa disadvantaged workers ng pansamantalang trabaho, mula minimum na 10 araw hanggang 90 araw. Ang sahod ay base sa umiiral na minimum wage sa rehiyon kung saan ipinatutupad ang programa.

(PNA)