(Publiko binalaan ng LTO) SCAM TRAFFIC VIOLATION MESSAGES

MULING nagpaalala ang Land Transportation Office (LTO) sa publiko na ang mga mensahe hinggil sa traffic violations sa SMS o iba pang messaging platforms ay pawang scams at hindi dapat pansinin.

Sa isang statement nitong Biyernes, sinabi ni LTO chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II na ang mga mensaheng ito ay online scams na naglalayong nakawin ang personal information ng mga biktima, kabilang ang kanilang bank at  e-wallet information.

“We would like to remind the public that the LTO does not send any traffic violations through text messages or any messaging app. If you receive one, that means it came from scammers,” sabi ni Mendoza.

Aniya, ang mga mensaheng ito ay maaaring may kasamang link na sa sandaling i-click ay mare-redirect sa pekeng LTO site na manghihingi ng license plate at iba pang  personal information.

“Do not ever type in the license plates of your motor vehicles and give other personal information about your bank or e-wallet accounts. Better yet, ignore all of them because they are certainly scams,” aniya

Ang LTO ay nakikipag-ugnayan sa law enforcement agencies, kabilang ang Philippine National Police at Department of Information and Communications Technology, upang mahuli ang mga nasa likod ng scams na ito.

Inatasan din ni Mendoza ang lahat ng LTO regional directors at district office heads na paigtingin ang kanilang information drive laban sa naturang scams gamit ang kani-kanilang social media accounts at sa pamamagitan ng kanilang free theoretical driving course.   

(PNA)