(Publiko binalaan ng PNP) KASO NG COVID-19 MULING TUMAAS

NAGBABALA ang Philippine National Police (PNP) sa posibleng pagtaas ng kaso ng COVID- 19 sa bansa matapos na umakyat ng 300 porsiyento ang aktibong kaso sa kanilang hanay sa loob ng isang araw.

Base sa huling tala ng PNP Health Service, umakyat sa dalawampu ngayong araw mula sa lima lang kahapon ang kanilang aktibong kaso ng COVID-19.

Ayon kay PNP Public Information Office (PIO) Chief BGen. Roderick Augustus Alba, napansin nila na ang pag-akyat at pagbaba ng kanilang mga aktibong kaso ay sumasabay sa mga naitatalang kaso sa “General populace”.

Aniya, tinalakay ng Joint Task Force COVID Shield ang pagtaas ng kaso ng COVID- 19 kasabay ng pagluluwag ng quarantine restrictions.

Kaya pinapaalalahan ng PNP ang publiko na patuloy na obserbahan ang minimum Public safety standard dahil nananatili pa rin ang banta ng COVID-19. EUNICE CELARIO