BINALAAN ng Philippine National Police (PNP) ang publiko na mag-ingat sa Facebook scam ng mga taong nagpapanggap na mataas na opisyal ng PNP.
Ang babala ay ibinigay ni PNP Spokesperson, Col. Ysmael S. Yu matapos na matukoy ng PNP Anti-Cybercrime Group ang isang indibiduwal na gumawa ng pekeng FB account gamit ang pangalang Camilo P. Cascolan, na pangalan ng mismo ng PNP Chief.
Ginamit umano ng suspek ang ninakaw na personal data gaya ng larawan ng PNP chief para lumikha ng pekeng profile sa FB at magpanggap bilang si Cascolan.
Naalerto si Cascolan sa aktibidad ng “poser”, matapos isumbong sa kanya ng isang kaibigan na ang pamangkin nitong pulis sa Nueva Ecija ay muntik nang magpadala ng P10,000 sa scammer sa pamamagitan ng wire transfer para ma-reassign sa magandang puwesto.
Ayon Kay PNP-ACG Director PBgen. Dennis Agustin, nakapagsagawa na sila ng case build up laban sa suspek at hinihintay na lang ang arrest warrant para damputin ito. EUNICE C.
Comments are closed.