BINALAAN kahapon ni Senador Christopher “Bong” Go ang publiko na huwag maging kampante ngayong may local transmission na ng mas nakahahawang Delta variant ng COVID-19 sa bansa at sa halip ay maging mas vigilante upang hindi dapuan ng karamdaman.
“Huwag po tayo magkumpiyansa lalo na’t may local transmission na ng Delta variant. Patuloy po tayong mag-ingat, sumunod sa mga patakaran, at makipagtulungan sa ating gobyerno,” ayon kay Go. “Ang inyong disiplina, kooperasyon at malasakit sa kapwa ay importante para malampasan natin ang mga pagsubok na ito.”
Sinabi ng senador na ang pagpapatupad ng health protocols, kabilang ang testing, contact tracing, at isolation, gayundin ang iba pang bumubuo sa COVID-19 response measures ng pamahalaan, ay dapat pang paigtingin at higpitan, kasama ang implementasyon ng mas istriktong border controls at mas pinahusay na paghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa mga mamamayan.
Hinikayat din niya ang economic frontliners partikular na ang mga public transport workers na magpabakuna na laban sa COVID-19 dahil ito aniya ang tanging susi o solusyon para unti-unti na ngang makabalik ang lahat sa normal na pamumuhay.
Samantala, nagsagawa rin ang grupo ni Go ng dalawang magkahiwalay na distribution at relief operations noong Hulyo 22 sa Andres Bonifacio Elementary School at Hulyo 23 sa Grace Park Elementary School, upang matulungan ang may 2,000 Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) members sa Caloocan City bilang bahagi ng kanyang pagsusumikap na makapagpaabot ng tulong sa transport sector workers na ang buhay at kabuhayan ay labis na naapektuhan nang nagaganap na COVID-19 pandemic.
Kabilang sa mga natanggap ng mga TODA members ay mga pagkain, masks, face shields, at mga vitamins, habang may ilang piling benepisyaryo rin ang nabigyan ng computer tablets para magamit ng kanilang mga anak sa pag-aaral ng mga ito, at ng mga bisikleta na para naman sa kanilang transportasyon.
Pinasalamatan din ng senador ang mga tricycle driver at operator dahil sa patuloy na pagtatrabaho para sa kanilang mga pamilya at pagsisilbi sa komunidad ngayong panahong ito ng krisis.
Sa kabilang dako, nagpaalala si Go, na siya ring chair ng Senate Committee on Health, sa publiko na mayroong Malasakit Center na malapit sa kanilang lugar sakaling kailanganin nila ng tulong medikal.
55235 295495When I saw this page was like wow. Thanks for putting your effort in publishing this article. 572631
85921 32831I just put the link of your weblog on my Facebook Wall. quite nice weblog indeed.,-, 601380
304628 905656As I site possessor I believe the content matter here is rattling magnificent , appreciate it for your hard work. You should keep it up forever! Best of luck. 29265