MULING pinag-iingat ng Civil Service Commission (CSC) ang publiko laban sa ilang mga indibidwal na nagpapanggap na kawani ng komisyon para makapambiktima.
Ang pahayag ng CSC aykasunod ng mga natanggap nitong ulat kaugnay sa mga nagpapanggap na kawani ng komisyon para makahingi ng impormasyon, pera o pabor mula sa mga ahensya ng pamahalaan at sa publiko.
Pinayuhan naman ni CSC Chairperson Karlo Nograles ang publiko na magdoble ingat sa mga natatanggap na text messages, emails, o tawag mula sa mga nagpapanggap na kanilang kawani.
Aniya, mainam na direktang makipag-ugnayan sa mga CSC Regional o Field Office kung mayroong concern.
Una nang nilinaw ng CSC na walang indibidwal o grupo ang binibigyan nito ng pahintulot na gamitin ang pangalan at logo ng CSC sa anumang aktibidad o online promotion.
“We would also like to warn individuals that usurpation of authority or falsely representing to be an officer, agent or representative of any department or agency of the Philippine Government is a violation under Article 177 of the Revised Penal Code. The CSC is ready to take action against violators found guilty of this crime as their action undermines the integrity of the agency,” babala ni Chairperson Nograles. P ANTOLIN