PUBLIKO BINALAAN VS BAGONG MODUS ONLINE

NAGBABALA sa publiko ang pamunuan ng Bureau of Immigration (BI) hinggil sa sa lumalabas na bagong modus operandi sa online na ginagamit ang pangalan ng mga government officials upang manloko at manghuthot ng pera.

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na maging siya man ay ginamit ng isang tao ang kanyang pangalan at iba pang mga government officials upang makapag-solicit ng pera.

Ayon sa report, sa pamamagitan ng email ang scammer ay magpapanggap na siya ang BI Chief at hihingi ng tulong upang makapagpadala ng pera sa mga nangangailangan na mga kaibigan.

Magpapangap ang scammer na nahihirapan itong magpadala ng pera at hihingi ng tulong sa kanyang bibiktimahin para siya (opisyal) ang magpapadala ng pera para sa kanya.

“This is a scam, attempting to use the name of government employees in their illegal activities,” ayon kay Morente. “The public are warned against this new modus,” dagdag pa nito.

Dagdag pa nito na kung sino man ang gumagawa nito ay iko-coordinate sa cybercrime authorities para maimbestigahan. PAUL ROLDAN