TINIYAK kahapon ng Department of Agriculture (DA) sa publiko na iniimbestigahan nito ang napaulat na pagbebenta ng Indian buffalo meat (IBM), na hindi nararapat kainin ng tao kapag ‘unprocessed’, sa mga local wet market.
Ayon kay Agriculture Secretary Emmanuel F. Pinol, nakatanggap sila ng mga report na may ilang imported IBM na ibinebenta sa local wet markets.
Pinapayagan lamang ng gobyerno ang pag-angkat ng IBM, mas kilala bilang carabeef, para sa meat processing purposes.
“There are some Indian buffalo meat that managed to enter the local market which is not supposed to happen,” wika ni Pinol.
“We having that investigated. [Indian buffalo meat] are only for processing purposes and not to be sold in the wet market,” dagdag ng kalihim.
Napag-alaman na ang IBM ay ipinagbibili sa wet markets ng Marikina.
Kasabay nito ay hinikayat ng agriculture chief ang publiko na maging mapagbantay sa pagbili ng karne sa wet markets at nagbabala na huwag bumili ng buffalo meat dahil hindi ito nararapat kainin. JASPER ARCALAS
Comments are closed.