BINALAAN ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko laban sa pagiging money mules, ang mga indibidwal na ginagamit ng mga kriminal upang makapaglipat ng kinita ng kanilang ilegal na gawain.
Sa isang advisory, sinabi ng central bank na hindi dapat tanggapin ng publiko ang anumang kahilingan na magpadala o mag-transfer ng pera sa o mula sa isang personal account sa unknown individuals o companies.
“If you think that you have received suspicious funds, do not touch the funds. Report the incident immediately to your bank or financial service provider and the police,” anang BSP.
Sa paliwanag ng BSP, ang money mules ay ang mga indibidwal na naglilipat ng illegally acquired money sa ibang tao o kompanya.
“Criminals recruit mules to move money electronically through bank accounts, move physical currency, or assist the movement of money through a variety of other methods,” sabi pa ng central bank.
“Money mules are inherently dangerous, as they add layers to the money trail from a victim to a criminal actor,” dagdag pa ng BSP.
Ayon sa BSP, may ilang indibidwal na alam ang kanilang trabaho bilang money mules, habang ang iba ay mga biktima ng online scams.
Para maiwasan ito, pinayuhan ng central bank ang publiko na huwag ibigay ang kanilang bank/electronic money account o iba pang personal information sa mga hindi pinagkakatiwalaan at hindi kilalang sources.
“Do not entertain calls from individuals claiming to be authorized bank/financial service representatives. Directly communicate with your bank/financial service provider by contacting their official communications channels. Do not provide your financial information to someone you do not personally know, especially if you just met them online,” dagdag pa ng BSP.
“Avoid the trap of ‘easy money’ schemes. If it seems too good to be true, it must be a scam. Do not accept any request to send or transfer money to/from your personal account, especially from unknown individuals or companies.”
Comments are closed.