NAGBABALA ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) laban sa mga scammer na gumagamit ng mga pekeng dokumento para makapanloko ng mga indibidwal sa pagbabayad at pagkakaloob ng confidential information.
“The Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) warns the public against fraudulent loan documents, deposit certificates, fund transfer documents, or other commercial papers allegedly issued, secured, or guaranteed by the BSP,” pahayag ng central bank sa isang advisory.
Ayon sa BSP, nakatanggap ito ng ulat na nagpapanggap ang mga scammer na mga awtorisadong BSP official at nagpapakita ng mga pekeng dokumento sa mga indibidwal, korporasyon o institusyon.
“Scammers claim that such documents will facilitate financial transactions in favour of the recipients, in exchange for confidential personal or corporate information, and subject to fees or charges,” anang BSP.
Kaugnay nito ay nilinaw ng BSP na hindi ito nag-iisyu o naggagarantiya ng commercial documents o products tulad ng banking forms, fund transfer orders, at certificates of deposit.
Gayundin ay hindi ito nakikipagtransaksiyon sa mga indibidwal, korporasyon o institusyon nang sapalaran dahil nakikipag-usap lamang ito sa authorized o accredited counterparties.
“For your protection, do not believe claims of unexpected monetary gain,” sabi pa ng central bank.
Dahil dito, pinayuhan ng BSP ang publiko na maging mapagbantay laban sa mga pekeng dokumento na nagtataglay ng imitations ng BSP seal, logo at official-looking document formats, forged o digitally-copied signatures ng BSP officials, employees o consultants, at umano’y BSP products, services, o partnership agreements na iniaalok ng mga indibidwal o establisimiyento na nagpapanggap na BSP of-ficials, employees o consultants, maging sa personal o sa social media.
Comments are closed.