PUBLIKO HINIHIMOK NA MAGING AKTIBO VS KORUPSIYON

MAS magiging epektibo at matagumpay ang mga hakbang para basagin ang “vicious cycle” ng korupsiyon kung makikiisa at magiging aktibo ang publiko sa laban na ito.

Isa ito sa mga nakikitang solusyon ni Senador Panfilo Lacson sa harap ng katotohanan na naging ugali na ng mga nasasangkot na magpalamig at manahimik lamang muna hanggang sa tuluyan nang makalimutan ng tao ang kanilang ginawa.

“Some officials have lost all sense of shame. Even if charges are filed against them, they just lie low because they know that once the issue dies down and the public no longer thinks much of it, they can go back to their old ways,” banggit ni Lacson.

“That said, the vicious cycle of corruption is not limited to those in government. It takes two to tango: those who corrupt – and the public who wittingly or otherwise turns a blind eye,” dagdag ng mambabatas.

Naging krusada na ni Lacson bilang senador na labanan ang kaliwa’t kanang katiwalian, kasama ang mga kasong gamit ang nabanggit na nakasanayang kultura.

Tinukoy ng mambabatas bilang halimbawa ang pamamahagi ng bilyong pisong halaga ng mga kagamitang pang-agrikultura na ibinigay bilang tulong sa mga magsasaka sa mga lalawigan.

Inilahad ni Lacson na nagsumbong sa kanyang tanggapan ang mga magsasakang benipisyaryo dahil kung hindi dispalinghado ay agad umanong nasisira ang mga kagamitang natanggap ng mga ito. At matapos na mangako si Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar ng imbestigasyon, hindi pa rin ito nagbibigay ng ulat.

“Sec. Dar promised to submit a report not later than April last year. Up to now we have yet to receive it,” banggit ni Lacson.

Isa pang halimbawa na tinukoy ng mambabatas ay ang paglobo ng halagang siningit ng ilang mambabatas sa taunang gastusin – mula sa ilang taong nakalipas kung saan tinuturing na iskandalo ang P50 milyon, hanggang sa P15 bilyon sa isang distrito lamang sa 2021 proposed budget. LIZA SORIANO

64 thoughts on “PUBLIKO HINIHIMOK NA MAGING AKTIBO VS KORUPSIYON”

Comments are closed.