NAGPAHAYAG ng suporta si Senadora Cynthia Villar, na kilala sa bansag na “Misis Hanepbuhay,” sa entrepreneurs at nanawagan sa publiko na suportahan sila.
Sa pakikiisa sa 31st Anniversary ng Simbayanan ni Maria Multi-Purpose Cooperative (SMEC), inanyayahan din niya ang lahat na bisitahin ang kanilang bazaar-Coopreneurs Product Exp2022 sa Vista Mall Taguig.
Kinilala ng Senadora si Tatay Carlito, ang banana muffin vendor na nag-viral sa social media at ang mga kooperatiba gaya ng SMEC dahil sa kanilang pagsisikap.