PUBLIKO HINIKAYAT NG DOH NA MAGPABAKUNA VS LAHAT NG SAKIT

UMAPELA  si Health Secretary Francisco Duque III sa publiko na gamitin ang World Immunization Week para magpabakuna laban sa ibat ibang sakit.

Partikular na hinimok ni Duque na magpabakuna mula Abril 24 hanggang 30 ang mga sanggol, buntis at mga matatanda.

Binigyang diin ni Duque na magandang pagkakataon ang pagpapabakuna hindi lamang para humaba ang buhay kundi para magkaroon din ng malusog na pamumuhay.

Iginiit ni Duque na ligtas at epektibo ang mga bakuna na libreng makukuha mula sa health centers.

Samantala, muling nagpaalala si Dr. Ted Herbosa, Medical Adviser ng National Task Force against COVID-1 na may posibilidad na tumaas muli ang kaso ng COVID-19 bunsod ng pagtaas ng mobility ng publiko.

Binigyang diin nito ang tamang pagsusuot ng face mask upang maiwasan ang hawahan ng Covid-19.
Maliban dito, sinabi pa ni Herbosa na bumaba rin ang COVID-19 testing output ng bansa. DWIZ882