Hinikayat ng Department of Health (DOH) ang publiko na puksain ang mga lamok na may dalang dengue, bunsod na rin ng patuloy na pagtaas ng dengue cases sa bansa.
Nabatid na nasa uptrend pa rin ang dengue cases sa bansa matapos na makapagtala ng 25% pagtaas mula Agosto 4 hanggang 17, 2024, na umabot sa 36,335 cases, kumpara sa 29,021 kaso lamang na naitala mula Hulyo 21 hanggang Agosto 3, 2024.
“There is a 25% increase in cases, with 36,335 cases reported last August 4-17, 2024, compared to 29,021 reported from July 21 to August 3,” ayon sa DOH.
Ang lahat ng rehiyon sa bansa, maliban sa MIMAROPA, Bicol, Zamboanga Peninsula, at BARMM, ay nakitaan ng pagtaas mula Agosto 4 hanggang 17, 2024.