PUBLIKO HINIMOK MAGPA-BOOSTER SHOT

SINIMULAN  na ng mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila ang panghihikayat sa mga mamamayan na magpa-booster shot.

Ito’y mula nang ianunsiyo ng Department of Health (DOH) na aprubado na ng Food and Drug Administration (FDA) ang pinaikling panahon ng pagpapaturok ng booster shot sa tatlong buwan mula sa anim na buwan matapos na makatanggap ng dalawang dose ng bakuna.

Paalala ng LGUs na dapat dalhin ng mga nais magpa-booster ang vaccination card upang katunayang nakatanggap na ng second dose ng bakuna.

Samantala, mahigpit pa ring ipatutupad ng mga lokal na pamahalaan ang minimum health and safety protocol. DWIZ882