HINIMOK ng Office of the Press Secretary (OPS) ang publiko na patuloy na sumunod sa health protocols sa gitna pa rin ng laban kontra COVID-19 ngayong Kapaskuhan.
Pinaalalahanan ng Palasyo ang publiko na panatilihin ang daloy ng hangin sa mga bahay para maiwasan ang pagkalat ng sakit.
Siguraduhin din na bakunado para sa mas ligtas na pagtitipon ngayong Pasko.
Nagpaalala rin ang Department of Health (DOH) na patuloy na magsuot ng facemask, magpabakuna at kaagad na mag-isolate kapag nakaramdam ng sintomas ng nasabing sakit.
Matatandaang, natukoy ng DOH ang apat na kaso ng BF.7 na isang sublineage ng highly transmissible Omicron BA. 5 subvariant.
Bagama’t walang ebidensya na may pagkakaiba ang BF.7 sa orihinal na variant ng Omicron, nagpapaalala pa rin ang DOH sa publiko na maging maingat lalo na sa mga pagtitipon. DWIZ882