(Publiko hinimok ng DSWD) HEALTH PROTOCOLS SUNDIN SA CAROLING

DSWD

HINIMOK  ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang publiko na sundin ang health protocols laban sa COVID-19 sa panahon ng Christmas caroling.

Ayon sa DSWD, dapat gabayan ng mga magulang o tagapag-alaga ang mga batang mangangaroling upang matiyak na sumusunod sila sa naturang protocol na itinakda ng mga awtoridad alinsunod sa alert level status ng kanilang lugar.

Kaugnay nito, hinikayat din ng kagawaran na makipag-ugnayan ang publiko sa mga lokal na pamahalaan na mag-organisa ng mga aktibidad sa pagbibigay ng regalo at medical mission.
Pinapayagan ng DILG ang Christmas caroling sa mga lugar na nasa ilalim ng alert level.