NAGBIGAY na ng anunsyo ang lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila para sa mga saradong mga kalsada sa mga motorista mula kagabi at ngayong araw upang bigyan daan ang selebrasyon ng Kapistahan ng Jesus Nazareno at taunang Traslacion.
Sinabi ng Manila Public Information Office (PIO) na ang mga sumusunod na kalsadang sarado ay nagsimula ng alas-9 ng gabi ng Enero 8 hanggang Enero 9;
* Kahabaan ng Bonifacio Drive mula Anda Circle hanggang P. Burgos Avenue Katigbak Drive at South Drive (One Lane Accessible sa Manila Hotel at H2O Hotel; (plastic barrier)
* Kahabaan ng Daan ng Kalayaan Kahabaan ng Roxas Boulevard mula Katigbak hanggang U.N. Avenue Kahabaan ng P. Burgos mula Roxas Boulevard hanggang Jones, McArthur, at Quezon Bridge
* Kahabaan ng Daang Pananalapi mula P. Burgos Avenue hanggang Taft Avenue
* Kahabaan ng Ma. Orosa Street mula sa T.M. Kalaw hanggang P. Burgos Avenue
*Kahabaan ng Taft Avenue mula U.N. Avenue hanggang P. Burgos Avenue
* Kahabaan ng Romualdez mula U.N. Avenue hanggang Ayala Boulevard Kahabaan ng Ayala Avenue mula Taft Avenue hanggang Romualdez Street
*Kahabaan ng C. Palanca Street mula P. Casal hanggang Plaza Lacson
*Kahabaan ng P. Casal mula C. Palanca hanggang Arlegui Street
*Kahabaan ng Legarda Street mula sa C.M. Recto Avenue hanggang Arlegui Street
*Kahabaan ng Quezon Boulevard mula Fugoso Street hanggang Quezon Bridge Westbound Lane España Boulevard mula P. Campa hanggang Lerma Street
Ang mga motorista na dadaan ng southbound ay pinayuhang gumamit ng mga sumusunod na ruta:
Ang lahat ng sasakyang bumibiyahe sa southbound ng Mel Lopez Boulevard (R-10) patungong Roxas Boulevard, ay kumaliwa sa Capulong Street, diretso sa Yuseco Street hanggang Lacson Avenue hanggang sa destinasyon.
Ang lahat ng sasakyang bumabyahe sa southbound ng J. Abad Santos Avenue / R. Regente papuntang Intramuros Area, ay kumanan sa San Fernando Street, kaliwa sa Madrid Street, kaliwa sa Muelle Dela Industria hanggang Binondo-Intramuros Bridge hanggang A. Soriano Avenue hanggang sa kanilang destinasyon o dumaan sa Juan Luna Street, kanan sa Muelle Dela Industria hanggang Binondo-Intramuros Bridge.
Ang lahat ng mga sasakyang bumabyahe sa southbound ng Rizal Avenue na nagnanais na gamitin ang McArthur Bridge patungo sa south area, ay kumaliwa sa C.M. Recto Avenue, kaliwa sa Legarda Street, hanggang sa destinasyon
Kumanan naman sa Fugosi Street, sa Rizal Avenue hanggang sa destinasyon ang lahat ng mga sasakyang bumabiyahe sa southbound ng A.Mendoza Street papuntang Quezon Boulevard.
Lahat ng sasakyang bumibiyahe sa westbound lane ng España Boulevard papuntang Quezon Boulevard ay kumaliwa sa N. Reyes Street, hanggang C.M. Recto Avenue, hanggang sa destinasyon.
Samantala, para sa mga patungo sa northbound, ang mga alternatibong ruta ay:
Ang lahat ng light vehicle na bumibiyahe ng northbound ng Roxas Boulevard na patungo sa P. Burgos Avenue ay kumanan sa U.N. Avenue, diretso sa P. Guanzon Street hanggang Mabini Bridge hanggang sa destinasyon.
Lahat ng mga trak at trailer na bumibiyahe sa northbound lane ng Roxas Boulevard papuntang Mel Lopez Boulevard (Pier Area) ay kumanan sa Pres. Quirino Avenue hanggang Mabini Bridge hanggang sa destinasyon.
Dapat ding kumanan sa U.N Avenue diretso sa P.Guanzon Street hanggang Mabini Bridge patungong destinasyon ang lahat ng sasakyan na babagtas sa northbound ng Taft Avenue patungong P.Burgos Avenue.
Lahat ng mga trak at trailer na bumibiyahe ng northbound ng Osmeña Highway patungo sa Mel Lopez Boulevard (Pier Area ay kumanan sa Pres. Quirino Avenue, hanggang Mabini Bridge hanggang sa destinasyon.
Ang mga sasakyan naman na nagmumula sa A. Mabini Street na naglalayong gamitin ang T.M. Kalaw Avenue ay kumanan sa U.N. Avenue, diretso sa P. Guanzon Street hanggang Mabini Bridge hanggang sa destinasyon.
Lahat ng sasakyan na galing sa Ma. Orosa Street na nais dumaan sa T.M. Kalaw Avenue ay kumanan sa U.N. Avenue, diretso sa P. Guanzon Street hanggang Mabini Bridge hanggang sa destinasyon.
PAUL ROLDAN