POSITIBO sa paralytic shellfish poison (PSP) o toxic red tide ang walong lugar sa bansa, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Sa Shellfish Bulletin na inilabas ng BFAR, positibo sa toxic red tide na lagpas sa regulatory limit ang mga shellfish na na nakolekta sa Sapian Bay (Ivisan at Sapian sa Capiz, Mambuquiao at Camanci, Batan sa Aklan), coastal waters ng Panay, Pilar,
President Roxas, Roxas City sa Capiz, coastal waters ng Gigantes Islands, Carles sa Iloilo, coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol, at Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur.
“All types of shellfish and Acetes sp. or alamang gathered from the areas shown above are NOT SAFE for human consumption,” ayon sa ahensiya.
Ligtas namang kainin ang mga sariwang isda, pusit, hipon at alimango basta hugasang mabuti at alisin ang internal organs.