PUBLIKO INUDYUKAN NA MAGSUOT NG FACE MASK SA BAGUIO FLOWER FEST

BAGUIO FLOWER FEST

NAG-ABISO ang Baguio Health Services Office (HSO) sa mga residente rito na magsuot ng face masks at iwasan ang close contact sa mga taong may respiratory infections.

Sa isang abiso noong Enero 22, na ibinigay ang kopya sa media, tinukoy ng HSO ang preventive measures sa pagkonsidera sa inaasahang dagsa ng turista ngayong Pebrero para sa Baguio Flower Festival (BFF).

Sinabi ng HSO na ang siyudad ay hindi pa nakakapagrekord o nakakapag-monitor ng anumang kumpirmadong kaso ng 2019 novel coronavirus (2019-nCoV) na ngayon ay kumakalat sa Wuhan sa China.

Para makaiwas sa sinumang residente na mahawa sa respiratory disease, pinayuhan ng HSO ang publiko na mag-obserba ng maayos na personal hygiene sa pamamagitan ng pag­huhugas lagi ng kamay matapos na umubo, humatsing, o gumamit ng palikuran bago humawak ng pagkain at matapos na makontak sa mga may sakit.

“If you have fever, cough, and difficulty of breathing, seek medical care early and share previous travel history to your health care provider,” pahayag ng SO advisory.

Ang Coronavirus ay isang sakit kung saan ang pasyente ay makikitaan ng pagkakalagnat, ubo, hindi makahinga, hirap sa paghinga  kung saan din ang mas malalang kaso ay makakapagdulot ng pneumonia at severe acute respiratory syndrome o kamatayan. PNA

Comments are closed.