PINAYUHAN ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang publiko na huwag munang magtungo sa Holy Land.
Ito ay sa harap ng tumataas na bilang ng kaso ng coronavirus disease o COVID-19 at dahil na rin sa papalapit na Mahal na Araw kung saan inaasahang dumagsa ang mga Filipino sa mga Pilgrimage sites.
Nakasaad din sa pahayag ng DFA na naghigpit na rin ang Israeli government sa pagpapasok ng mga biyahero sa kanilang teritoryo bilang hakbang upang maiwasan ang pagkalat ng virus. DWIZ 882
Comments are closed.