(Publiko muling binalaan ng BSP)‘SMISHING’ SCAMS

BANGKO SENTRAL NG PILIPINAS

Nagbabala ang BSP laban sa mga link na ipinadadala sa pamamagitan ng text messages dahil maaari nitong awtomatikong ma-download ang malware at/o ma-redirect sa websites na nangangalap ng impormasyon na maaaring magamit sa panloloko.

Para maiwasan ito, pinayuhan ng BSP ang publiko na maingat na suriin ang mga mensahe; umiwas sa pag-click sa links kahit na sinasabing nagmula ito sa mga bangko, e-money issuers, o kilalang mga kompanya o brands; at pangalagaan ang personal information.

Muling iginiit ng BSP na ang mga lehitimong financial institutions ay hindi nanghihingi ng personal details at account credentials mula sa kanilang customers sa pamamagitan ng text messages o pagpapadala ng links sa websites.

“While these websites may seem legitimate, fraudulent sites often have errors in spelling, punctuation, capitalization, and grammar,” anang central bank.

“Banks, e-money issuers, and legitimate companies exert extra effort to maintain professional websites without such errors,” dagdag pa nito.