(Publiko patuloy na pinag-iingat ng DOH) KASO NG DENGUE AT MPOX TUMAAS

Lubhang nakaa­alarma ang kabuuang bilang ng kaso ng dengue sa bansa.

Sa kasalukuyang datos mula sa Department of Health (DOH), 208, 965 ang kaso ng dengue sa bansa, ito ay mataas na 68%  sa 124,157 na kaso kumpara sa nakaraang tanong.

Itong nakaraang tatlo hanggang ika-apat na linggo, may 25% na pagtaas ang bilang ng kaso at ito ay pataas pa. Ang 40% pagtaas ay mula sa Region III, VI, at VII.

Ngayon ay nasa ika-35 bilang ng morbidity week, ang panawagan ng DOH ay maging mapagbantay at magsubaybay pa kaysa umabot pa na ang mga maapektuhang mga bata ay maospital pa.

Ang DOH ay patuloy na nakikipag -ugnayan sa 9 LGUs para palakasin na mapigilan at makontrol ang dengue.

Ang estratehiya ng DOH ay binansagang 4S — Search and Destroy, Seek Early Consultation at Support Fogging sa mga high-risk areas. “May sistema rin sa pagbuga, kasi lilipat lang sa kabilang barangay,” sabi ng Kalihim ng DOH na si Teodoro Herbosa.

Ang mga ospital sa high-risk areas ay binigyan na ng mga tagubilin bilang paghahanda sa pagtaas ng bilang ng kaso ng dengue sa bansa.

Siniguro rin ng DOH na may sapat na supply ng intravenous fluids, blood products at medical supplies habang nagsasagawa ng kung paano pamamahalaan ang kaso ng dengue.

Ang lahat ay pinaa­alalahanang panatilihing malinis ang kapaligiran, puksain ang pinamumugaran ng lamok at ma­ging mapagbantay laban sa dengue lalo na sa ngayong panahong.

“Ang kalaban ay ang pagdami ng bilang ng lamok, kung malinis at walang mga tubig na pupugaran, mapapababa ang kaso sa dengue. Gusto ng lamok ang malinis na tubig hindi ang tubig-baha,” paglalahad ng Kalihim Herbosa.

Sa kaso naman ng Mpox sa bansa, ang nakumpirmang bilang ay 18. Ito ay kasalukuyang sinusubaybayan sa loob at labas ng bansa.

Mula sa kabuuang bilang ng kaso ng mpox, 11 ang mula sa NCR, anim ang mula sa Calabarzon, at isang kaso mula sa Cagayan Valley. Ang mga edad ay mula 12 taon hanggang 47 taong gulang. 17 ang lalaki at isa ang babae.

May limang kaso ang gumaling at 13 kaso ang naihiwalay at  sa bahay nagpapagaling. Ang kasamahan nila ay masusi ring sinusubaybayan ang kalusugan.

“Kalinisan ang kasagutan at hindi bakuna,” sabi ni Kalihim Herbosa.

Paano mapapababa ang bilang ng mpox? Ang tugon ng DOH ay pag-iwas sa skin-to-skin contact sa kahit kanino, lalo na sa may rash na maaaring mpox, paghuhugas ng kamay at pag-sanitize ng mga bagay o lugar na madalas nahahawakan. Kailangan ang dagliang konsultasyon kung may mga sintomas ng mpox.

Sa mga nasa serbisyo ang negosyo, kapareho ng spa,  kailangan masusing pagtingin, pag-aalok ng hand sanitizers, regular na paglilinis ng espasyo at kapaligiran at pagpapalit ng tuwalya at lino pagkatapos gamitin.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan sa global level, ngunit kailangan maipabatid sa lahat na ang prayoridad ay mga bansa sa Africa gawa ng mataas ang bilang ng mpox sa kanilang lugar.

RIZA ZUNIGA