PINAALALAHANAN ng consumer advocacy group Laban Konsyumer, Inc. (LKI) ang publiko na walang expiry dates ang gift checks, gift certificates, at gift cards (GCs).
Tinukoy ang Republic Act No.10962 o ang Gift Check Act of 2017, sinabi ni LKI president Victorio Mario Dimagiba na ang pag-iisyu ng GCs na may expiry date ay isang paglabag sa batas.
Aniya, nasa P500,000 hanggang P1 million ang multa sa mga lalabag sa Gift Check Act.
“The misuses and abuses of the said GCs with expiry date proliferates in the market because said GCs do not bear in prints the approval and the permit number of the loyalty rewards or promotional programs granted by the Department of Trade and Industry (DTI),” paliwanag ni Dimagiba.
Ayon kay Dimagiba, dating DTI Undersecretary for consumer welfare, dapat isauli ng violating parties ang mga hindi nagamit na GCs na may expiry dates sa loob ng 90 araw ng violation.
Nanawagan ang LKI founder sa DTI na ipatupad ang rules at guidelines sa Gift Check Act.
“We ask the government to protect consumer welfare by making sure that all establishments follow these rules strictly, especially given the circumstances of the pandemic where consumers have had a very hard time going out and using GCs,” sabi ni Dimagiba. PNA
Comments are closed.