(Publiko pinaalalahanan ng FDA) ONLINE SELLING NG COVID-19 TEST KITS BAWAL

test kit

IPINAGBABAWAL ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagbebenta ng COVID-19 test kits sa online.

Ayon sa FDA, ito ay para maprotektahan ang kalusugan ng mamamayan sa pamamagitan ng pag-regulate sa manufacture, importation, distribution, sale, advertisement at promotion ng health products sa bansa.

Binigyang-diin ng ahensiya na ang mga medical professional sa mga ospital lamang ang maaaring gumamit ng COVID-19 test kits at hindi ito puwede sa personal use.

Kabilang sa testing kits na ito ang RT-PCR, antibody at antigen based kits.

Sinabi pa ng ahensiya na magsasagawa naman ng monitoring sa online platform ang regional field offices at regulatory enforcement units para maproteksiyunan ang publiko.

Samantala, muling nagpaalala si FDA Director General Eric Domingo sa publiko na huwag bumili ng testing kits sa online dahil hindi alam kung ito’y ligtas at epektibo. DWIZ 882

One thought on “(Publiko pinaalalahanan ng FDA) ONLINE SELLING NG COVID-19 TEST KITS BAWAL”

  1. 337128 144872Great weblog here! Also your internet site loads up rapidly! What host are you making use of? Can I get your affiliate link to your host? I wish my website loaded up as rapidly as yours lol 143960

Comments are closed.