PUBLIKO PINAALALAHANAN SA NAKAAMBANG INTENSITY 8

Renato Solidum

HINIMOK ni Department of Science and Technology (DOST) Undersecretary Renato Solidum, OIC ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivo­lcs) na manatiling handa ang publiko sa anumang sakuna partikular na sa lindol na posibleng maranasan sa Filipinas partikular sa Metro Manila.

Ito ang naging anunsiyo ni Solidum sa ginanap na weekly media forum na Report to the Nation ng National Press Club sa Intramuros Manila bunsod ng posibleng nakaambang Intensity 8 na pagyanig.

Sinabi ni Solidum na  ang pagiging laging handa ay makatutulong sa pagliligtas ng buhay at ari-arian. Iginiit pa nito na mahalaga at malaking papel ang gagampanan ng lokal na pamahalaan sakaling magkaroon ng sakuna dahil sila ang mas nakaaalam sa kalagayan ng mga residenteng maaapektuhan.

Sakali aniyang yumanig ng Intensity 8, i­lang gusali sa Maynila ang maaapektuhan ng liquefaction o paglubog, tsunami at pagbaha.

Payo nito sa publiko, iwasan ang anumang matataas na istruktura sa lugar bunsod ng panganib.

Kasunod nito, pinawi naman ni Solidum ang pangamba ng mga taga-Maynila na mayroon umanong malaking fault line malapit sa Manila Bay na patuloy na kumakalat sa mga social media site. BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.