PINAYUHAN ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang publiko na alamin muna kung rehistrado sa kanilang tanggapan ang mga sasalihang investment company at kung lisensiyado ang mga security salesman nito.
Ayon kay SEC Commission Secretary Armando Pan, Jr., unang-una na dapat tandaan ng mga Filipino ay kung legal ang mga lumalapit sa kanilang korporasyon o partnership.
Pangalawa, kailangan din aniyang masiguro na rehistrado ang bawat investment contract or securities na pinapipirmahan sa mga miyembro ng isang investment company o grupo at kung ang mga nagbebenta o nagso-solicit ay licensed security salesman.
Aniya, makikita sa official website ng SEC ang mga salesmen na legal at may lisensiya.
Kapag ‘too good to be true’ na, aniya, ang ipinangangako ng isang investment group, dapat nang magduda dahil na bogus ito.
Ang paalala ay ginawa ng SEC kasunod ng pagkakasangkot ng Kapa Community Ministry International, Inc. sa umano’y malawakang investment scam kung saan posibleng maharap ito sa patong-patong na kaso. DWIZ 882
Comments are closed.