INANUNSIYO ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na may 18 lugar sa bansa ang positibo sa paralytic shellfish poison (PSP) o toxic red tide na lagpas sa itinatakdang regulatory limit.
Base sa Shellfish Bulletin No. 14 na inilabas ng BFAR na may petsang Mayo 8, 2021, hindi muna maaaring kainin ang lahat ng uri ng shellfish at acetes o alamang na mahuhuli o maaani sa naturang mga lugar.
Ayon sa BFAR, nananatiling positibo sa red tide ang Puerto Princesa Bay, Puerto Princesa City sa Palawan; coastal waters sa Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Tambobo Bay, Siaton sa Negros Oriental; coastal waters ng Calubian sa Leyte; Balite Bay, Mati City sa Davao Oriental; Lianga at Bislig Bays, at coastal waters ng Hinatuan sa Surigao del Sur.
Nagpositibo rin sa red tide ang coastal waters ng Daram Island, at Zumarraga, Cambatutay at Villareal Bays sa Western Samar; coastal waters ng Leyte, Carigara at Ormoc Bays, at Cancabato Bay, Tacloban City sa Leyte; coastal waters ng Biliran Islands; at Murcielagos Bay sa Zamboanga del Norte.
Nilinaw naman ng BFAR na ang mga isda, pusit, hipon at alimango na mahuhuli sa nasabing mga lugar ay ligtas kainin pero kinakailangang sariwa ang mga ito at hinugasang mabuti.
Kailangan ding tanggalin ang mga internal organ gaya ng hasang at bituka bago lutuin.
“All types of shellfish and Acetes sp. or alamang gathered from the areas shown above are NOT SAFE for human consumption. Fish, squids, shrimps and crabs are safe for human consumption provided that they are fresh and washed thoroughly, and internal organs such as gills and intestines are removed before cooking,” paliwanag pa ng BFAR. BENEDICT ABAYGAR, JR.
846155 162598Nice weblog here! Additionally your website quite a bit up very fast! 273878
109466 839369Thank you for this. Thats all I can say. You most definitely have produced this into something thats eye opening and crucial. You clearly know so a lot about the topic, youve covered so a lot of bases. Wonderful stuff from this part with the internet. 572088
735544 393633Oh my goodness! an exceptional write-up dude. Thank you Even so Im experiencing issue with ur rss . Do not know why Cannot register for it. Could there be any person finding identical rss difficulty? Anybody who knows kindly respond. Thnkx 419218
483898 14503Not long noticed concerning your web internet site and are still already reading along. I assumed ill leave my initial comment. i do not verify what saying except that Ive enjoyed reading. Nice weblog. ill be bookmarking keep visiting this internet website genuinely usually. 422296