PATULOY na pinag-iingat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang publiko sa pagkain ng mga shellfish na makukuha sa anim na baybayin dahil sa red tide.
Ayon sa BFAR, kabilang sa apektado ang karagatan ng Milagros sa Masbate; coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; San Pedro Bay sa Samar at Matarinao Bay sa Eastern Samar; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; at coastal waters ng San Benito sa Surigao del Norte
Dahil sa nadiskubreng paralytic shellfish poison (PSP) ay hindi pa rin ligtas kainin ang mga shellfish na mahahango sa naturang mga katubigan.
Ligtas namang kainin ang mga isda, pusit, hipon at alimango basta hugasan at lutuing mabuti ang mga ito.
PAULA ANTOLIN