(Publiko pinag-iingat) NAGBEBENTA NG GCASH ACCOUNTS NASAKOTE

KALABOSO ang isang lalaki na nagbebenta ng SIM cards na may GCash accounts sa Pasig City, ayon sa PNP Anti-Cybercrime Group (ACG).

Si Darios Ransol, 26-anyos, ay ina­resto sa supermarket sa kahabaan ng Caruncho Avenue sa Barangay Palatiw dakong alas-3:30 ng hapon.

Nakumpiska sa suspek ang 93 SIM cards with GCash o e-wallet accounts.

Sinabi ni ACG director Brig. Gen. Bowenn Joey Masauding na inalok ng suspek ang GCash accounts sa isang pulis sa pamamagitan ng online transaction sa halagang P34,410 o P370 bawat isang SIM card.

Kasong paglabag sa Republic Act 8484 o sa Access Devices Regulation Actna kilala bilang Cybercrime Prevention Act.

Nagpaalala naman ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na ingatan ang kanilang GCash accounts.

“Secure your SIM and identification cards because these are being used by unscrupulous individuals to create e-wallet accounts, which they sell online to commit cybercrime,” ayon kay Masauding.
EUNICE CELARIO