TATLONG lugar sa Visayas at Mindanao ang natuklasang positibo sa paralytic shellfish poison o toxic red tide na lumagpas sa regulatory limit, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Ayon sa BFAR, hindi ligtas kainin ang lahat ng uri ng shellfish at alamang sa coastal waters ng Dauis, at Tagbilaran City sa Bohol; Lianga Bay sa Surigao del Sur; at Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur
Gayunman, sinabi ng BFAR na ligtas kainin ang mga isda, pusit, hipon at alimasag mula sa naturang mga lugar basta sariwa at huhugasang mabuti, at tatanggalin ang internal organs tulad ng hasang at bituka bago lutuin.
Ligtas naman na sa toxic red tide ang coastal waters ng Milagros sa Masbate, Carigara Bay sa Leyte, at Murcielagos Bay sa Zamboanga del Norte.
367906 836003If you are still on the fence: grab your favorite earphones, head down to a Greatest Buy and ask to plug them into a Zune then an iPod and see which 1 sounds greater to you, and which interface makes you smile far more. Then youll know which is proper for you. 221361
695281 87634This internet site is my breathing in, real wonderful style and perfect content . 292867