(Publiko pinag-iingat ng BFAR)4 LUGAR POSITIBO SA RED TIDE

POSITIBO sa toxic red tide o paralytic shellfish poison na lagpas sa regulatory limit ang ilang bahagi ng Bohol, Samar, at dalawang iba pang lugar, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Ang mga apektadong lugar ay ang Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; San Pedro Bay sa Samar; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; at Lianga Bay sa Surigao del Sur.

Sa kanilang April 20 bulletin, sinabi ng BFAR na ang shellfish ay nakolekta at sinuri mula sa coastal waters ng naturang mga lugar.

“All types of shellfish and Acetes sp. or alamang gathered from the areas shown above are NOT SAFE for human consumption,” ayon sa ahensiya.

Ligtas namang kainin ang isda, pusit, hipon at alimasag basta sariwa ang mga ito, huhugasang mabuti, at aalisin ang internal organs ng mga ito tulad ng hasang bago lutuin.