(Publiko pinag-iingat ng BSP) SIM CARD SWAPPING SCAM

BSP

NAGBABALA  ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) laban sa isang scam kung saan ineengganyo ang mga biktima na  ipagpalit ang kanilang SIM card sa pamamagitan ng mga pekeng promo.

“The fraudster will get access to the victim’s financial accounts using the SIM card as some banks and financial services send one-time passwords to the client’s registered number before an online or mobile transaction is fulfilled,“ ayon sa BSP.

Ang mga manloloko ay gumagamit din ng  phishing o pekeng emails upang linlangin ang mga user at ibigay ang kanilang data o impormasyon.

Pinaalalahanan ng BSP ang publiko na huwag na huwag magbibigay ng personal details at SIM information sa mga taong hindi nila kilala at laging i-monitor ang kanilang online transactions.

Comments are closed.