(Publiko pinag-iingat ng NEDA)NANGHIHINGI NG PERA SA E-MAIL DUMARAMI

NEDA-3

Paglilinaw ng NEDA, hindi ito nanghihingi ng anumang sponsorship funds mula sa external providers para mapondohan ang kanilang mga proyekto.
Ayon sa ahensiya, nai-report na nila ang naturang scam sa mga awtoridad.
Payo ng NEDA sa publiko, i-double check ang email address na natatanggap at makipag-ugnayan lamang sa opisyal na NEDA email addresses, na nagtatapos sa @neda.gov.ph.
Iwasan din umanong i-click ang mga kaduda-dudang links na kakabit ng email, upang maiwasang mabiktima ng mga scammer.