BINALAAN kahapon ng Food and Drug Administration (FDA) ang mga mamimili laban sa mga noche buena products na malapit nang mag-expire.
Ito ay matapos masabat ng pinagsanib na puwersa ng FDA at National Capital Region Police Office ang mahigit tatlumpung libong pisong (P30,000) halaga ng Noche Buena items na pineke ang expiration date.
Kabilang sa mga nakumpiska ay keso de bola, spaghetti sauce, keso, ketchup, margarine at iba pa. Na-kumpiska ang mga ito sa tatlong tindahan sa kahabaan ng Villalobos Street kanto ng Carlos Palanca sa Quiapo, Manila.
Ayon sa FDA, malapit nang ma-expire ang mga naturang produkto kaya’t pineke at nilagyan ng pani-bagong expiration date ang mga panindang handa sa Pasko upang maibenta pa. AIMEE A.