PINAG-IINGAT ng grupong EcoWaste Coalition ang publiko, partikular na ang mga magulang, laban sa pagbili ng mga laruan at school supplies para sa mga bata, dahil sa posibilidad na may taglay itong nakalalasong lead na maaaring makasama sa kanilang kalusugan.
Ayon kay Thony Dizon, Chemical Safety Campaigner ng grupo, dapat tiyakin ng mga magulang na ang mga bibilhing laruan at gamit sa mga bata ay ligtas mula sa lead dahil ang pagkalantad o exposure dito ay maaaring magresulta sa seryosong problemang pangkalusugan sa mga paslit.
“Children’s products such as toys and school supplies should contain no lead as this chemical is known to harm children’s health even in small amounts,” ani Dizon.
Nauna rito, nagsagawa ng pagsusuri ang grupo at nakitaan ng lead ang isang brand ng krayola.
“The EcoWaste Coalition issued its latest toxic alert after screening ‘Ultra Colours Crayons’ for lead and other heavy metals using a handheld X-Ray Fluorescence (XRF) analytical device,” aniya.
“The EcoWaste Coalition advised parents to discard lead-containing crayons and to pick safe toys and school supplies conforming to regulatory standards and requirements,” aniya.
Una na rin namang nagbabala ang Department of Health (DOH) sa mga consumer na maging maingat sa pagbili ng school supplies para sa kalig-tasan ng mga batang gagamit nito. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.