PUBLIKO PINAG-IINGAT SA MATINDING INIT NGAYONG HOLY WEEK

NAGPAHAYAG ng pagkabahala si ANAKALUSUGAN Party-list Rep. Ray Reyes sa mabigat na banta sa kalusugan ng publiko lalo na sa mga gumugunita ng Semana Santa dala ng matinding init ng panahon sa ngayon.

Kaya naman todo ang paalaala ng pro-health lawmaker sa mga Kristyanong mananampalataya na magsagawa ng ibayong pag-iingat sa kanilang magiging aktibidades ngayon Holy Week.

Ayon kay Reyes, ang matagal na pagkakababad sa init ay maaaring magdulot ng cramps, panghihina at ang mas malala pa ay ang posibilidad ng nakamamatay na heatstroke.

“We urge everyone to take precautions and be mindful of their health as we observe Lent. Safety is of paramount importance and extreme caution should be taken during these temperature surges,” paalala pa ni Reyes.

Paggigiit ng kongresista, dapat sundin ng publiko ang tips ng Department of Health (DOH) upang makaiwas sa heat stroke at iba pang sakit na maaaring idulot ng matinding tag-init.

Kabilang sa mga ito ang paglimita sa outdoor exposure, pag-inom ng maraming tubig, pag-iwas na uminom ng tea, coffee, soda, at alcohol drinks at kung may heavy-duty or activities ay gawin ito sa oras na mas mababa ang temperatura.

Samantala, hinimok din ni Reyes na patuloy na sundin ang health and safety protocols sa religious gatherings upang makaiwas sa COVID transmission dahil hindi pa rin naman ganap na nawawala ang banta ng nasabing virus. ROMER R. BUTUYAN