PUBLIKO PINAG-IINGAT SA PAGBILI NG ‘DI AWTORISADO COVID VACCINE

vaccine

PINAG-IINGAT ng Department of Health (DOH), Food and Drugs Administration (FDA) at National Task Force Against COVID-19 (NTF) ang mga mamamayan laban sa hindi awtorisadong pagbebenta ng mga bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito’y matapos na makatanggap sila ng ulat hinggil sa ilang organisasyon o indibidwal na umano’y nagbebenta o nag-aalok ng COVID-19 vaccines sa mga mamamayan.

Ayon sa DOH, FDA at NTF, ang inisyung emergency use authorization (EUA) sa mga ito ay hindi naman marketing authorization at hindi rin Certificate of Product Registration (CPR) kaya’t nangangahulugan ito na hindi pa ito maaaring ipagbili sa publiko.

“The DOH, FDA, and NTF reiterate that the EUA granted to any COVID-19 vaccine is neither a marketing authorization nor a Certificate of Product Registration, meaning that these cannot be sold/purchased to the public,” anila.

Nagpaalala rin ang mga naturang ahensiya na ang pag-manufacture, pag-import, pag-export, pagbebenta, pag-aalok para ibenta, at pamamahagi ng mga unregistered health products, ay ipinagbabawal ng pamahalaan at may katapat na parusa sa ilalim ng Food and Drug Administration Act of 2009.

“This also serves as a stern warning to parties who will participate in the unlawful sale, purchase, administration of COVID-19 vaccines,” babala pa nila.

“The manufacture, importation, exportation, sale, offering for sale, distribution, transfer, non-consumer use, promotion, advertising, or sponsorship of any unregistered health product is also prohibited and will be penalized under the Food and Drug Administration Act of 2009,” paalala pa nila.

Nabatid na sa ilalim ng naturang batas, ang sinumang mapapatunayang sangkot sa mga nabanggit na prohibited act ay maaaring maharap sa conviction, pagka-bilanggo ng mula 1-10 taon o pagmumulta ng hindi bababa sa P50,000 ngunit hindi hihigit sa P500,000.

Samantala, kung ang offender ay manufacturer, importer o distributor ng health product, ang penalty ay aabot ng lima hanggang 10-taong pagkabilanggo at multang hanggang P500,000 ngunit hindi hihigit sa P5 milyon.

Magkakaroon din ng karagdagang multa na 1% ng economic value/cost ng produkto para sa paglabag o P1,000, kung alin ang mas mataas, para sa bawat araw araw nang patuloy na paglabag.

Maaari rin umanong kumpiskahin ng FDA ang mga naturang produkto nang walang hearing o court order kung makikitaan ng probable cause. ANA ROSARIO HERNANDEZ

4 thoughts on “PUBLIKO PINAG-IINGAT SA PAGBILI NG ‘DI AWTORISADO COVID VACCINE”

  1. 814819 833643you are in point of fact a great webmaster. The web site loading velocity is wonderful. It seems that you are performing any distinctive trick. In addition, The contents are masterpiece. youve done a great activity on this topic! 171666

Comments are closed.