PINAG-IINGAT ng Food and Drugs Administration (FDA) ang publiko laban sa pagbili ng mga sikat na produktong Spam Classic at Hormel Food Black label Luncheon loaf, na sa Pilipinas ay paborito ng mga bata.
Ito’y bunsod ng posibilidad na kontaminado ito ng maliliit na piraso ng metal, na maaaring magdulot ng pinsala sa mga konsumer.
Nauna rito, ipina-recall o binawi sa merkado ang ilang batch ng mga naturang produkto ng United States-based company na Hormel Food Corporation, na siyang owner ng mga brand names na Spam® Classic at Hormel Food Black-Label Luncheon Loaf.
Ayon sa naturang kompanya, maaaring may taglay na maliliit na piraso ng metal ang mga naturang produkto na maaaring magdulot ng pinsala o injury sa mga konsumer kaya’t nagpasya silang boluntaryong ipa-recall ang mga ito.
Kaagad namang inisyu ng FDA ang Advisory No. 2018-193, upang balaan ang mga konsumer hinggil sa mga naturang produkto.
Partikular na binawi ang mga Spam® Classic Luncheon Loaf na may “Best by” date na Pebrero 2021 at product codes na FO20882, FO20883, FO20884, FO20885, FO20886, FO20887, FO20888 at FO20889, gayundin ang Hormel Food Black-Label Luncheon Loaf, na may “Best by” date na Pebrero 2021 at may product codes na FO2098 at FO2108.
Ang mga naturang impormasyon ay makikita naman sa ilalim ng lata ng produkto, na ipinamahagi sa mainland United States of America (USA), at Guam, USA.
Anang FDA, bagamat ang mga naturang binawing produkto ay ipinamahagi sa mainland USA at Guam, ay dapat pa ring mag-ingat ang publiko laban sa mga naturang produkto na posibleng nakaabot pa rin sa lokal na merkado.
“Although the recalled products were distributed in the mainland USA and Guam, USA only, the public is still advised to observe caution in their consumption as the foregoing products may have, by any means, reached the local market,” bahagi ng advisory ng FDA.
Pinayuhan rin ng ahensiya ang publiko na kung sakaling may mabili ng mga naturang produkto ay kaagad itong sirain o isauli sa tindahan kung saan ito nabili.
“Consumers are thus urged to check the bottom of the container/can of these products to check whether or not they bear establishment number “EST.199N” before consuming them, and to immediately destroy/return to the establishment where they purchased it, and report to the FDA through [email protected], products bearing the said establishment number,” dagdag pa ng FDA. “For reports and inquiries, please e-mail us at [email protected] or call any representative from Center for Food Regulation and Research (CFRR) through telephone number (02) 857-1900 local 8115/8112/8105.” ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.