PUBLIKO PINAG-IINGAT SA SAKIT SA TAG-ULAN

ulan

PINAALALAHANAN ng Department of Health (DOH) – Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) ang publiko na maghanda na at protektahan ang kanilang mga sarili laban sa mga karamdaman na maaaring makuha ngayong rainy season.

Kasunod na rin ito ng anunsiyo ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) hinggil sa pormal nang pagsisimula ng panahon ng tag-ulan.

Ayon sa DOH-Calabarzon, dapat na palakasin ng mga mamamayan ang kanilang resistensiya laban sa mga pangkaraniwang mga sakit na nakukuha kapag tag-ulan na.

Ilan anila sa mga naturang karamdaman ang pagtatae o diarrhea, water-borne diseases tulad ng typhoid fever, cholera, leptospirosis, at vector-borne diseases gaya ng malaria at dengue.

Anang DOH-Calabarzon, mahalaga ang masustansiyang pagkain para mapalakas ang katawan at pagkakaroon ng personal hygiene upang makaiwas sa karamdaman, gaya ng regular na paghuhugas ng kamay at regular na community clean-up.

Mahalaga rin ang pagpa-praktis ng minimum health protocols gaya ng social distancing, proper cough etiquette at pagsusuot ng face mask upang maiwasan ang hawahan at higit pang pagkalat ng mga naturang sakit.

Sakali namang makaramdam ng sintomas ng mga naturang karamdaman ay makabubuting kaagad nang kumonsulta sa doktor upang ito ay maagapan at malunasan. ANA ROSARIO HERNANDEZ

35 thoughts on “PUBLIKO PINAG-IINGAT SA SAKIT SA TAG-ULAN”

  1. 18637 993022An really fascinating go by way of, I could not concur entirely, nonetheless you do make some genuinely legitimate factors. 560080

Leave a Reply

Your email address will not be published.