PINAG-IINGAT ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang publiko sa pagkain ng lahat ng uri ng shellfish at acetes o alamang mula sa tatlong coastal areas na positibo sa toxic red tide.
Sa isang bulletin, sinabi ng BFAR na ang mga nakolektang shellfish sa coastal waters ng Dauis at Tagbiliran City sa Bohol, Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur, at Lianga Bay sa Surigao del Sur ay positibo sa paralytic shellfish poison (PSP) na mas mataas sa regulatory limit at hindi ligtas na kainin.
Gayunman, ang isda, pusit, hipon at alimango ay ligtas kainin kung sariwa, at alisin ang internal organs at hasang, at linising mabuti bago lutuin.
Samantala, iniulat ng BFAR na ligtas na sa red tide ang coastal waters ng Milagros sa Masbate at Litalit Bay sa Surigao del Norte.